Duration 3:37

MRT-3 NEW NORMAL GUIDELINES AND PROTOCOLS FOR GCQ

275 watched
0
11
Published 1 Jun 2020

Ano nga ba ang mga pagbabago at paghahanda ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Rail Transit (MRT-3) sa muling pagbabalik-operasyon nito sa simula ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa unang araw ng Hunyo 2020? Alinsunod sa public transportation guidelines and protocols na inaprubahan ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), mahigpit na ipatutupad ng pamunuan ng MRT-3 ang mga alituntuning ito sa lahat ng tren, istasyon at pasilidad nito. Naglagay na ng mga barriers at markings sa upuan at sahig ng tren, gayundin sa platforms nito hanggang sa mga hagdanan, elevators at escalators upang tiyaking maipapatupad ang physical distancing o 1-meter gap sa pagitan ng mga pasahero upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Lilimitahan din ang kapasidad sa tren upang masigurong maipatutupad ang social distancing measure sa bawat bagon Lahat ng pasahero ay kinakailangan ding magsuot ng face masks. Hindi naman papapasukin at pasasakayin ng tren ang mga mayroong sintomas ng COVID-19 o may temperaturang 37.8 °C pataas. Huwag ding mag-alinlangan ang mga pasahero dahil sisiguruhin ang kalinisan ng bawat tren. Ipapatupad ng MRT 3 ang 5-MINUTE disinfection hustle sa lahat ng bagon ng tren pagdating nito sa magkabilang end-of-the-line, sa North Avenue at Taft Station upang matiyak na ligtas ang linya mula sa virus. Ang cleaning protocol na ito ay base sa 7-minute miracle na paglilinis ng Shinkansen trains ng Japan. Wala ding patid ang paglilinis sa buong pasilidad ng MRT-3. Bilang dagdag na hakbang, hinihikayat ang lahat na gamitin ang mga foot baths at alcohol/sanitizers na matatagpuan sa lahat ng entry/exit points ng istasyon. Bukod pa riyan, 19 trains sets, kasama ang 3 Dalian trains, ang idedeploy sa ating revenue operations. Pabibilisin din ang takbo nito mula 30kph hanggang 40kph sa piling segment ng MRT-3 para mas umikli ang headway nito o oras sa pagitan ng pagbiyahe ng mga tren. Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at kooperasyon para na rin sa kaligtasan at kaayusan ng lahat. Stay safe! #DOTrPH🇵🇭 #RailwaysSectorWorks #SulongMRT3 #MatibayAngPILIPINO #COVIDlangtoPILIPINOtayo #WeHealAsOne

Category

Show more

Comments - 1